-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na mas marami pang mga lokal na pamahalaan ang mapapasama sa bentahan ng P29/kilo ng bigas sa mga susunod na linggo.

Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, mula nang ilunsad nila ang P29 program ay sunod-sunod na ang pakikipag-ugnayan ng LGUs para magkaroon din ng bentahan ng murang bigas sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa kay De Mesa, isinasaayos na nila ang guidelines upang matiyak na mga bulnerableng sektor ang makabibili ng murang bigas.

Sa Agosto ay planong ilunsad ng Visayas ang P29 program.

Tiniyak nito na may sapat naman umanong suplay ng murang bigas na magpapanatili sa programa.