-- Advertisements --

LA UNION – Tapos na ang itinakdang deadline ng pamahalaan sa pamamahagi ng cash aid mula SAP noong Linggo, ngunit marami pa ring mamamayan ang nagrereklamo dahil hindi napabilang sa mga naambunan ng tulong pinansiyal bunsod ng COVID crisis.

Ilang mga residente ng Purok 6, sa Brgy. Sevilla, San Fernando City ang dumulog sa Bombo Radyo para ilabas ang kanilang mga hinaing sa naging kalakaran ng SAP distribution sa kanilang nasasakopan.

Halos lahat ng mga ito ay inirereklamo ang BHW sa kanilang sektor, dahil sa paniniwalang hindi ito naging patas sa pamamahagi ng SAP.

Isa lamang dito si Ric Papa, na sinabihan umano ng BHW na aprubado na, na inakala namang makakatanggap ng naturang cash aid, ngunit naghintay lamang umano sa wala.

Ila pa sa mga residente dito, kabilang ang mga senior citizens at pamilyadong tao ang sama-samang nagpayahag ng kanilang saloobin sa pamimigay ng SAP at naniniwalang kwalipikadong makakatanggap ng ayuda mula sa DSWD.