-- Advertisements --

May mga inaasahan pang testigo na lulutang sa Senado para magbigay ng salaysay ukol sa “freedom for sale” o “good conduct time allowance (GCTA) for sale.”

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malaking pasabog ang dala ng mga testigo, kagaya ng mga nailahad ni Yolanda Camelon.

Dalawa hanggang tatlong testigo pa ang inaasahan ng Senado, kaya kailangan nilang magtakda pa ng hearing sa Lunes, Setyembre 9, 2019.

Maaari ring isalang para sa pagtatanong ang dating BuCor chief na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Para kay Drilon, wala namang masama rito para sa ikalilinaw ng isyu dahil dati na rin daw silang naging resource person sa ilang Senate inquiry.

Hiling naman ni Drilon bigyan muna ng pagkakataong sumuko ang mga napalayang bilanggo, pero kung magmamatigas ang mga ito ay ilabas na sa publiko ang mga pangalan para sa malawakang paghahanap.