-- Advertisements --

Posible pang tataas ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar at maging sa karatig na bansang Thailand.

Bunsod ito ng marami pang patuloy na hinahanap ng search and rescue teams mula sa gumuhong mga gusali dulot ng malakas na main quake at aftershocks.

Umaabot sa 2,056 ang kumpirmadong nasawi habang halos 4,000 ang sugatan, maliban pa sa halos 300 na reported missing.

Dahil na rin ng dumaraming bilang ng casualties ay sama-sama sa isang lugar ang labi ng mga nasawi at nagdudulot na rin ng banta sa kalusugan kaya inumpisahan na ang pagdadala sa mga ito sa Sagaing cemetery.

Sa bawat isang libingan ay sampung bangkay ang ipinagkakasya para lang mailibing ang mga ito dahil wala ng sapat na espasyo at ang iba ay dinadala sa crematorium.