Maraming mga airline companies ang nagkansela ng kanilang flights sa patungo at galing sa Israel.
Ito ay dahil sa patuloy ang nagaganap na labanan sa pagitan ng Israel forces at Hamas militants.
Ilan sa mga dito ay ang American Airlines na mula at patungong Tel Aviv ng hanggang Biyernes.
Ang Norweigan Air ay nagkansela ng kanilang flights mula Copenhagen at Stocklholm patungo sa Tel Aviv hanggang Linggo.
Kinansela rin ng Korean Air ang kanilang flight pero handa nilang ilikas ang mga mamamayan na palayo sa Israel.
Aabot kasi sa 570 na mga South Korean nationals ang naninirahan sa Israel at 360 na turista doon.
Habang ang Air India ay nagkansela ng kanilang flights hanggang Oktubre 14.
Binabantayan naman ng Cathay Pacific ang kalagayan sa Israel at kanilang ibabalik anf flights hanggang bumuti ang kalagayan doon.