-- Advertisements --
Aabot sa 4,000 na mga petrol bombs ang nakumpiska ng mga kapulisan sa isinagawang dalawang araw na clearing operations sa Polytechnic Unversity campus ng Hong Kong.
Ang nasabing unibersidad ay siyang ginawang tirahan ng mga nagsagawa ng kilos protesta ng ilang araw.
Ayon sa kapulisan nasa 3,983 na petrol bombs, 1,339 explosive items, 601 corrosive liquids at 573 na iba’t-ibang uri ng armas.
Matapos na mapalayas ang mga protesters ay naibalik na sa unversity management ang nasabing pamamahala.