-- Advertisements --

Natupok ng apoy ang ilang kabahayan sa refugee camp ng mga Rohingya Muslims sa Bangladesh.

Ayon kay Antonio Vitorino, Director General ng United Nation International Organization of MIgration (IOM) na ilang libong Rohinga refugees ang apektado.

Nababahala ito sa epekto ng nasabing sunog sa kabuhayan ng mga Rohinga refugee.

Nasa mahigit 800,000 na mga Rohinga refugee ang naninirahan sa nasunog na bahagi ng Cox Bazar kung saan ang mga ito ay lumikas mula sa Myanmar.