-- Advertisements --

Ibinunyag ng mentor ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na may mga “multiple passports” ang inalok ng maraming bansa.

Sinabi ni Jim Lafferty na ang nasabing mga alok mula sa ibang bansa ay bago pa man ang paglutang ng alegasyon ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pamemeke umano ng mga liquidation documents at ang hindi pagbabayad umano nito sa kaniyang coach.

Itinuturing kasi si Obiena na mainit na pangalan sa larangan ng track and field na mula sa world ranking nito na number 30 ay naging number 10 hanggang sa naging pang numero 5 na lamang ito.

Si Obiena ay may hawak na Asian record sa men’s pole vault na 5.93 meters kung saan nagbanta na ito na magreretiro sa pagsali sa international competition dahil umano sa maling bintang sa kaniya.

Paglilinaw pa ni Lafferty na kahit na maraming alok sa ibang bansa ay mas pipiliin umano ni Obiena na maglaro na irerepresenta niya ang Pilipinas.