Kinondina ng mga bansa at ilang grupo ang ginawang malawakang pag-atake ng Russia sa Urkaine.
Ayon kay North Atlantic Treaty Organization (NATO)Secretary General of Nato Jens Stoltenberg na kalunos-lunos ang mga sinapit ng mga biktima dahil sa pag-atake ng Russia.
Maglalabas aniya ng desisyon ang mga military alliance sa pulong na gaganapin sa US para ipakita ang matinding suporta nila sa Ukraine.
Tinawag naman ni United Nation chief Antonio Guterres, na nakakagulat ang nasabing pag-atake kung saan maraming bata ang nasawi.
Nanawagan naman ang Ministry of Foreign Affairs ng Italy sa mga bansa na marapat na gumawa na ng hakbang ang mga international community.
Una ng itinanggi ng Russia na tinarget nila ang mga pagamutan kung saan ito ay tinamaan umano ng fragments mula sa air defence missiles ng Ukraine na ikinasawi ng nasa 36 katao.
Sa panig naman ng US na personal na magpupulong si President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelenksy sa araw ng Biyernes.
Sinabi ni US National Security Council spokesman John Kirby na magkakaroon din ng pulong ang NATO-Ukraine Council kung saan sa mga susunod na araw ay asahan ang malaking anunsiyo na suporta sa Ukraine.