-- Advertisements --
Wuhan Covid DOH DFA cruise ship Diamond princess seamen crew

Pinakamatinding tatamaan umano nang paghina ng turismo lalo na sa larangan ng global travel industry ay ang bansang Japan at Thailand.

Ayon sa International Civil Aviation Organization kung tatagal pa ang coronavirus crisis, bilyong billyong kita ang mawawala sa maraming mga bansa.

Liban sa Thailand at Japan ang iba pang mga bansa na matindi ang pakinabang ay ang South Korea, Vietnam at mga teritoryo na Hong Kong at Macao, na kabilang sa major destinations ng mainland tourists.

Iniulat ng United Nations World Trade Organization noong taong 2018 umaabot ang outbound na mga Chinese tourists sa 150 million na gumastos nang nakakalula na $277 billion sa kanilang mga biyahe sa abroad.

Dahil sa pagkadiskarel ng biyahe ng mga turista mula China, bilang “largest outbound travel market in the world” inaasahang mawawalan ng kita ng $1.29 billion sa tourism revenue ang Japan na sinusundan ng Thailand na nasa $1.15 billion.

Sa Pilipinas naman una nang tinaya ng tourism industry na aabot sa P42 billion ang mawawala hanggang buwan ng Abril kung patuloy ang paghina ng tourism travel.

Una nang iniulat din ng World Travel and Tourism Council na dahil sa deadly coronavirus epidemic malulugi ang world tourism nang estimated na $22 billion.