Maraming mga bansa na ang nagpahayag ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa bansa.
Magbibigay bilang donasyon ang Japan ng mga generators, tents, sleeping pads, water containers at mga plastic sheets sa mga lugar na na apektado ng bagyo.
Sinabi ni Japanese ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na labis silang nalungkot ng makita ang mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Handa naman ang France na magpautang na nasa P14 bilyon para suportahan ang muling pagbangon ng mga nasalantang lugar ng bagyo.
Ayon sa Department of Finance na nakapagpirma na sila ng policy-based laon sa Agence Française de Développement (AFD) para mapabilis ang pagbabalik sa dati ng mga nasalantang lugar.
Magugunitang maraming mga grupo na rin at ilang bansa na rin ang nagtiyak ng pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.