-- Advertisements --
Mortar explosives Davao

DAVAO CITY – Maraming eksplosibo ang narekober ng Calinan rescue team pasado alas-1:00 kaninang hapon sa Calinan proper nitong lungsod.

Ayon kay Christian James Gonzales, miyembro ng nasabing grupo, nagsagawa ng paghuhukay ang mga empleyado sa lugar para sa bulk water project ng isang pribadong kompaniya ng mahukay nila ang maraming bomba.

Kabilang sa mga narekober ang 45 na 81 mm mortar at 15 elongated na klase ng 81 mm mortar.

Sinabi rin ni Gonzales na malaki pa ang posibilidad na sasabog ang nasabing mga bomba kahit na pinaniniwalaang panahon pa ito ng World War II.

bulk water Davao

Nanawagan naman si Gonzales sa mga residente sa lugar na kung may nakitang mga eksplosibo sa lugar, agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad at huwag itong galawin para maiwasan ang disgrasya.