BUTUAN CITY – Nag-Pasko sa loob ng mga evacuation centers ang maraming mga Caraganons dahil sa mga pagbaha at paghampas ng naglalaking alon simula pa noong gabi ng Disyembre 24 dahil sa shearline.
Sa Barangay Masao nitong lungsod ng Butuan , hindi bababa sa 98 mga pamilya ang lumikas at nanatili sa Masao Elementary School matapos napasok sa tubig-dagat ang kanilang kabahayan.
Sa bayan naman ng Nasipit sa lalawigan ng Agusan Del Norte particular sa Barangay Culit, umabot sa 66 mga pamilya ang nasa multi-purpose gym matapos magulantang ang mga nakatira sa gilid ng ilog sa napakalaking tubig-baha.
Sa panayam kay Barangay Culit Kapitan Ruel Pepito, nagpapasalamat ito dahil walang casualty na naItala sa kabila nang napakahirap na pag-rescue sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang bahay lalo na’t mayroon pang umakyat na sa bubong ng kanilang bahay dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha.
Ayon pa nito, kasama sa kanilang pag-rescue ang 23rd Infantry Battalion, Philippine Army at Bureau of Fire Protection o BFP-Nasipit.
Maraming mga livestocks din ang namatay gaya ng kalabaw, baka, manok at iba pa.
Ganito rin ang kalagayan sa Barangay Jaguimitan ng nasai ring bayan kungsaan nabuwal ang mga poste ng kuryente kung kaya’t walang linya ng kuryente at kumunikasyon sa ngayon.
Sa Surigao Del Norte naman, 124 na pamilya na ang nailikas sa pitong evacuation centers mulas a mga bayan ng Gigaquit, Tubod, at Bacuag.
Patuloy naman ang pangangamba ng mga residente dahil sa patuloy pa ring mga pag-ulan.