-- Advertisements --
Nilisan rin ng maraming barko ng China ang Escoda shoal kasunod ng pag-pull out ng BRP Teresa Magbanua sa lugar ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela.
Aniya, tanging nasa 11 chinese maritime militia vessels na lang ang nananatili sa Escoda habang wala ng namataan na China Coast Guard sa lugar.
Samantala, base sa monitoring naman ng Philippine Navy, sa loob ng isang linggo nasa kabuuang 55 militia vessels, 5 Chinese waships at 8 CCG vessels ang namataan sa Escosa shoal.
Una na ngang inihayag ni Comm. Tarriela na ang masamang lagay ng panahon ang nagbunsod pareho sa panig ng PH at China na i-withdraw ang kani-kaniyang mga barko sa shoal.