Maraming mga digital service providers ang nagpahayag na mamuhunan sa Pilipinas, ito ang inihayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Batay sa datos ng ahensiya sa ngayon nasa 100 digital service providers ang nag-ooperate sa bansa lokal man o internasyunal.
Hindi naman masabi ni Lumagui kung ilan itong mga digital service providers ang nagpahayag na mamuhunan sa bansa.
Aniya mas maganda ang kanilang magiging data sa sandaling fully implemented na ang batas.
Dagdag pa ni Commissioner Lumagui sa ngayon mahirap pa magsabi ng projection kaugnay sa mga local and foreign digital service providers na nagnanais maglagak ng negosyo sa bansa dahil hindi pa nila nakikita ang kabuuang feature.
Sabi ni Lumagui na malaking tulong ang Value-Added Tax on Digital Services Law para makuha ang data na dumadaan sa internet at sa digital space sa pamamagitan sa mga online transaction.
Dito kasi matutukoy ang mga digital service providers na nag-ooperate sa bansa.
Sa kabilang dako, nasa 90 na araw ang ibinigay sa BIR para maglabas ng revenue regulations hinggil sa bagong batas dahil may kailangan silang gawin para sa sistema ng ahensiya.
Ang full implementation ng batas ay 120 days matapos ang effectivity ng IRR.