-- Advertisements --

Maraming mga establishimento sa bansa ang nagpahayag ng pakikbahagi sa taunang Earth Hour sa darating na Marso 22.

Mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi ay papatayin ng mga negosyante ang mga hindi nagagamit na mga ilaw.

Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF) na mahalaga ang nasabing paglahok para mabigyan ng proteksyon ang ating planeta.

Ilang mga kilalang park naman sa bansa ang magkakaroon ng visual display ng mahigit na 600 solar-powered lights habang ang ilan ay magkakaroon ng candle-light concert.

Ang Earth Hour ay pinangunahan ng WWF na nag-umpisa noong 2007 sa Sydney, Australia.

Nagsimulang sumali ang Pilipinas sa nasabing taunang Earth Hour noong 2008.