-- Advertisements --
hong kong triad attack 1

LAOAG CITY – Marami nang establisyemento, kasama ang police stations ang nagsara sa Hong Kong dahil sa kaliwa’t-kanang kilos protesta sa nasabing bansa dahil pa rin sa extradition bill.

Sa mensahe sa Bombo Radyo Laoag ni Melinda Bangui, tubong Marcos, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong, nagsara raw ang maraming establisyemento dahil nangangamba sila sa posibleng pag-atake ng mga nagpoprotesta.

Nakisama na rin kasi sa panggugulo ang tinaguriang mga miyembro ng Hong Kong triad na may mga bitbit na sticks at inaatake ang mga nagra-rally kung saan maging ang ordinaryong sibilyan ay nadadamay.

Tulad na lamang ng insidente sa kanilang train stations.

Sinabi pa ni Bangui na kahit ang police station sa Hong Kong ay nagsara na rin kaya wala na silang mahingan ng tulong kung kinakailangan.

Ayon pa kay Bangui, hindi napigilan ng kanyang amo ang mapaluha habang sinasabi sa kanya na patay na ang Hong Kong at hindi na ligtas tumira at manatili sa nasabing bansa.

Kong kong triad attack
Hong Kong triad members attacked passengers at Yuen Long station

Kinumpirma rin ni Bangui na marami silang OFW sa Hong Kong ang nangangamba para sa kanilang seguridad at natatakot na silang lumabas dahil mas lalo pang nagiging bayolente ang mga kilos protesta nang makisawsaw na ang mga traid members na sinasabing suportado ng kanilang gobyerno.

Binabatikos din kasi ang pulisya bunsod nang kabagalan kumilos upang sawayin ang mga triad groups.