-- Advertisements --

Inalmahan ng mga fans ng P-pop group na BINI ang presyo ng tickets ng kanilang Grand BINIverse concerts sa buwan ng Nobyembre.

Nitong araw kasi ng Lunes ay opisyal na inilabas ng concert organizer ang presyo ng mga tickets na ang pinakamahal ay mahigit P11,000 at ang pinakamura ay nagkakahalaga ng mahigit P1,000.

Magsisimula ang bentahan ng tickets sa darating na Agosto 20-31.

Gaganapin ang nasabing grand concert ng grupo sa darating na Nobyembre 16 at 17 sa Araneta Coliseum.

Ilan sa mga fans ang nagtaas ng kilay dahil sa masyadong mahal ng presyo ng tickets kung saan sinasabing katapat na nito ang ticket prices ng mga international KPOP group.

Ilan ang nagsabi na dapat ay pang-masa dapat ang tickets dahil sa karamihan sa mga fans nila ay mga estudyante na wala pang mga trabaho.

Magugunitang pinasikat ng grupo ang mga kantang gaya ng “Pantropiko”, “Salamin” at maraming iba pa.