-- Advertisements --

Maraming mga pamilyang Filipino ang hindi kayag makabili ng masustansiyang pagkain.

Ito mismo ang lumabas na pag-aaral ng Food and Agricultural Organization (FAO) sa pangunguna ni Anna Herforth at mga kasamahang researchers.

Mayroong 64.25 percent ng mga Filipino ang walang kakayahan daw na makabili ng masustansiyang pagkain na nagkakahalaga ng mahigit P200 kada araw.

Nangangahulugan nito na sa kabuuang 105.2 milyon na Filipinos na populasyon noong 2017 ay mayroong 67.57 milyon ang may limitado o walang anumang paraan magkaroon ng sapat at masustansiyang pagkain.

Itinuturing din ng FAO na sa Southeast Asian countries na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng food-insecure na mamamayan.