-- Advertisements --
Japan typhoon
Japan Faxai damage

Nag-iwan ng mahigit 100 flights ang nakansela at maraming ang na-stranded sa paliparan dahil sa pananalasa ng bagyong Faxai.

Nagdulot din ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente ang nasabing bagyo na may dalang hangin na aabot sa 120 miles per hour.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA) na nag-landfall ang bagyo nitong Lunes ng umaga sa karagatang bahagi ng Chiba.

Naparalisado ang pangunahing subway stations sa Tokyo.

Wala namang naitalang nasawi sa nasabing bagyo.

Nakabalik na rin sa normal ang kalagayan sa bansa nitong Lunes ng hapon matapos na papalayo sa northeast ang bagyo na may bilis na 26 mph.