-- Advertisements --

Maraming mga flghts ang na apektuhan sa Heathrow Airport sa London matapos ang naganap na malaking sunog sa substation.

Sinabi ni London Fire Brigade Deputy Commissioner Jonathan Smith, nasunog ang transformer na bumubuo ng 25,000 litro ng cooling oil.

Dahil dito ay nawalan ng suplay ng kuryente sa apat na terminal ng paliparan.

Na-divert naman ang ilang flight sa Manchester Airport sa United Kingdom kung saan aabot sa 120 flights sa ere ang na-divert sa alternatibong paliparan.

Aabot din sa 5,000 kabahayan sa paligid ng paliparan ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing sunog.

Inaalam na ng mga otoridad ang pinakasanhi ng sunog at hindi nila iniiwan ang posibilidad ng terorismo.

Ang Heathrow ay pang-apat sa pinaka-abalang paliparan sa buong mundo at pinakamalaking paliparan sa London.