-- Advertisements --
British airways
British airways/ FB image

Nakansela ang mahigit 100 flights ng British Airways matapos na magkaroon ng aberya sa kanilang computer system.

Natamaan lubha ang ilang libong pasahero ng Heathrow at Gatwick airports sa London na naantala ang flights ng ilang oras.

Ayon sa British Airways, na dumanas ng partial crash ang kanilang check-in at flight start systems.

Pansamantalang gumamit sila ng back-up manual systems para matuloy ang ilang flights.

Pinayuhan na lamang nila ang mga pasaherong naapektuhan na magrebook na lamang mula Agosto 8 hanggang 13.

Hindi lamang ang unang beses na nakaranas ng aberya ang nasabing airline company dahil noong 2017 ay nakansela ang mga flights mula Heathrow at Gatwick airports matapos na magkaroon ng IT system failure.