-- Advertisements --

Maraming flights pa rin na papasok at palabas ng NCR Plus bubble ang temporaryong nakansela dahil sa pagpapalawig ng enhance community quarantine.

Ayon sa Cebu Pacific na mula Abril 5 hanggang 11 ay kanselado ang mga biyahe ng Boracay (Caticlan)- Manila, Kalibo – Manila, Cagayan de Oro to Manila, Cebu to Manila, Coron to Manila, Legazpi to Manila, Pagadian to Manila at Manila -San Jose-Manila.

Kinansela rin ng Cebu Pacific ang rota ng Manila to Iloilo, Manila – Roxas, Manila to Bacolod, Cebu-Bacolod-Cebu, Cebu-Caticlan-Cebu, Manila-Roxas- Manila at Iloilo to Manila.

Sa ipinatupad na ECQ ang mga flights ay hanggang 30% lamang ang kapasidad habang mga paparating na mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay limitado lamang sa 1,500 pasahero kada araw.