Maraming mga foreign investors mula sa ibat ibang industriya globally ang nagpahayag na maglagak ng investment sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang kinumpirma ni Maharlika Investment Corporation (MIC) President and Chief Executive Officer Rafael Jose Consing Jr.
Sa isang panayam sinabi ni Consing na maraming mga banyagang mamumuhunan ang nagtatanong na ukol sa paglalagak ng investment.
Gayunpaman sinabi ni Consing na sa ngayon nasa proseso pa lamang sila pag develop ng kanilang track record o kredibilidad at sa sandaling maayos na ito masisimulan na nila ang pagtanggap ng mga foreign investments.
Aniya ang investment ng MIC sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay pauna pa lamang na layong makahikayat pa ng mga investors.
Siniguro naman ni Consing na mayruon pang susunod na paglalagakan nila ng investment subalit tumanggi itong sabihin kung ano ito
Aniya kabilang sa kanilang pipeline na paglalagakan ng investment ay ang agriculture sector.
Sabi ng Consing ang mga foreign investor na nagpahayag ng kahandaan na mag invest ay mula sa mga naging foreign engagements ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.