Patuloy ang pagbuhos ng tulong ng mga Hollywood celebrities at mga singers sa mga naapektuhan ng malawakang wildfire sa Los Angeles.
Isa sa mga dito ay ang singer na si Beyonce na nagbigay ng $2.5 milyon sa LA Fire Relief Fund na gawa ng kaniyang charitable foundation na BeyGOOD.
Ang pondo ay makakatulong sa mga residente na nawalan ng bahay sa Altadena at Pasadena area.
Nadamay kasi rin sa sunog ang bahay ng kaniyang ina sa Malibu.
Maging ang kumpanyang Netflix at Comcast NBCUniversal ay nangako rin na magbibigay ng $10-M bawat isa.
Kasama rin na nagbigay ng donasyon ang American actress na si Eva Longoria.
Sa social media account nito ay magbibigay siya ng $1-M na donasyon para sa mga nawalan ng bahay dahil sa wildfire sa Los Angeles.
Galing ang pondo sa $50-M Bezos Courage and Civility Award.
Napagwagian ng actress ang award noong Marso ng nakaraang taon na gagamitin para sa pagpondo ng mga charity.