-- Advertisements --

May 10 mga business deals ang inaasahang mapirmahan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ngayong Mayo 30-31.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, na sa nasabing kasunduan ay magbubukas ng maraming pinto sa mga Japanese companies na palawakin ang kanilang negosyo.

Tiniyak sa kaniya ng mga Japanese companies na tiwala pa rin sila sa bansa at interesado silang magtayo ng kanilang negosyo.

Ilan sa mga negosyo ay tungkol sa electronics, manufacturing, data analytics, services, energy, tourism and transportation.