-- Advertisements --
joko widodo
Joko Widodo

Mas maraming mga infrastructure at investment para sa Indonesia.

Ito ang naging pangako ni Indonesian President Joko Widodo matapos na siya ay mahalal sa pangalawang termino nito.

Sa kaniyang talumpati na dinaluhan ng maraming supporters nito, isa sa mga prioridad nito ay ang pagpapagawa ng maraming kalsad para mapabilis ang transportasyon.

Karagdagang paliparan at sea ports din ang isa sa nakahilerang proyekto nito.

Tiniyak nito na makakagawa ng maraming trabaho sa kaniyang mga kababayan.