-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas maraming oportunidad sa trabaho sa Canada ang ibibigay para sa mga Pilipino.

Kasalukuyang nasa Canada si Bello para pumirma ng mga bilateral labor agreement para sa mga trabaho sa Ontario at Yukon para sa mga Pilipino.

Ang mga dayuhang manggagawa sa Canada ay maaari ding maging karapat-dapat para sa isang resident visa.

Samantala, sa Germany ang mga Filipino healthcare worker na nagsilbi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nakatakdang makinabang mula sa COVID care bonus ng gobyerno ng Germany.