-- Advertisements --

Maraming mga naaresto at nasugatan sa naganap na riot sa Stuttgart city sa Germany.

Nasa 24 rioters ang naaresto habang mayroong 19 polilce officers ang nasagutan.

Mariing kinondina naman ni Stuttgart Mayor Firtz Kuhn ang naganap na kaguluhan at tinawag na hindi katanggap-tanggap ang nasabing kaguluhan.

May mga naaresto rin ang mga kapulisan na mga rioters na may dalang iligal na droga.

Malaki ang paniniwala ng mga kapulisan na dahil sa kalasingan at sa impluwensiya na rin ng social media kaya nagkaroong riot.

Bukod sa maraming mga nasirang mga gusali ay may naiulat din na mga nakawan sa mga establishimento.