-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan ang hindi bababa sa 50 katao matapos ang pagsabog ng gas pipeline sa Malaysia.

Ang nasabing pagsabog mula sa kumpanyang Petronas ay nagdulot ng pagkalat ng mga debris na tumama ang iba sa mga bintana ng mga kabahayan sa bayan ng Puchong.

Aabot sa 305 katao ang naapektuhan kabilang ang pagkakasira ng nasa 190 kabahayan.

Walang anumang naiulat na nasawi habang nakalabas na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.