-- Advertisements --
Marami ang nasawi sa ilang bansa sa South Africa dahil sa pananalasa ng bagyong Ana.
Umabot sa 41 katao ang nasawi sa Madagascar habang mahigit 100,000 katao ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.
Nasa 19 katao naman ang namatay sa Malawi at nagdulot ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.
Inaalam pa ng mga otoridad sa Mozambique kung ilan ang natialang nasawi sa nasabing bagyo dahil hindi bababa sa 3,000 kabahayan ang nasira.
Itinuturing naman ni Prime Minister Carlos Agostinho na epekto ng climate change ang nararanasang malawakang pagbaha sa nasabing rehiyon.
Nanawagan ito sa ibang bansa na hatiran ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo.