-- Advertisements --

Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Ghana.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, bumangga ang isang motorsiklo sa sasakyan na may dalang mga pampasabog.

Dahil sa pagsabog ay gumuho ang ilang gusali at nadamay ang mga nakaparadang sasakyan.

Maraming mga katao rin ang nasugatan at sila ay dinala sa pagamutan.

Ang nasabing sasakyan na may bomba ay patungo sana sa kalapit na minahan na pinapatakbo ng Chirano Gold Mines.