-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga siyudad sa Metro Manila na nagsuspinde na ng klase ngayong araw dahil sa hanging habagat na patuloy na nagpapaulan maging sa ilang parte ng bansa.

Kabilang sa mga nagdeklara ng suspension of classes sa Metro Manila ay ang mga lungsod ng Valenzuela, Marikina, Caloocan, Navotas, Las Pinas, Muntinlupa, Malabon City na nagsimula ng alas-9:30 ng umaga kanina sa lahat ng lebel.

Gayundin sumunod na rin na nagsuspinde ng mga klase ang siyudad ng Parañaque, Pateros at Navotas City na nagsimula ng alas-12:00 nitong tanghali sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ganon din naman sa lungsod ng Mandaluyong Taguig at Pasay sa all levels, private at public schools na nagsimula ng ala-1:00 ng hapon.

Sa kabilang dako sinuspinde na rin ang trabaho sa government offices at COVID-19 vaccination activities sa lugar ng Valenzuela.

Nagdeklara na rin ng face-to face suspension ang University of the Philippines-Diliman simula alas-9:30 ng umaga nitong araw.

Ayon kay weather specialist Aldczar Aurelio, itong pag-ulan na ito sa bahagi ng Kamaynilaan ay asahan na rin daw na patuloy na bubuhos dahil sa southwest moonsoon o hanging habagat. (with reports from Bombo JC Galvez)