-- Advertisements --

Maraming lugar pa rin sa Luzon ang nasa tropical cyclone wind signal number 4 dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.

Base sa datos ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Pasuquin, Ilocos Norte.

May taglay pa rin ito ng lakas na hangin ng 165 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 275 kph.

Nakataas ang signal number sa mga sumusunod na lugar: Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes sa Cagayan, Babuyan Island, Fuga Islands, Dalupiri Islands. Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol, Kabugao sa Apayao;Tineg, Danglas, Lagayan sa Abra, Ilocos Norte, Sinait, Cabugao sa Ilocos Sur.

Nasa signal number 3 naman ang mga natitirang bahagi ng Babuyan Island, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao; Balbalan, Pinukpuk sa Kalinga; Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued, Langiden, San Quintin, Pidigan, Malibcong, PeƱarrubia, Bucay, Licuan-Baay, Lagangilang, Dolores, Tayum, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, San Isidro sa Abra; Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Nagbukel, Magsingal, San Juan sa Ilocos Sur.

Nasa signal number 2 naman ang mga lugar ng Batanes; San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan sa Isabela; natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan sa Ifugao; Bakun, Mankayan sa Benguet; natitirang bahagi ng Ilocos Sur at sa Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol, Bacnotan sa La Union.

Nakataas naman ang signal number 1 sa mga lugar ng natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Ifugao, Benguet, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya; Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao sa Aurora; Carranglan sa Nueva Ecija at Santa Cruz, Candelaria sa Zambales.

Inaasahan na hihina na ang bagyo sa mga susunod na araw kapag ito ay dumaan sa karagatang bahagi ng Ilocos Region at lalabas din sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Biyernes.