Nananatiling nasa critical risk para sa COVID-19 ang Pilipinas, Metro Manila at limang rehiyon ng bansa kahit na bumagal ang growth rate ng infections.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na binubuo ito ng Cagayan Valley, Ilocos Region, CALABARZON, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.
Ang mga natiitrang rehiyon naman ng bansa ay nasa high risk classification.
Ang average daily case kasi mula Enero 11 hanggang 17 ay tumaas ng 71 percent na mayroong 34,923 daily cases.
Tinanong naman siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nahahawaan pa rin ang mga tao kahit na sila ay nasa loob ng bahay at nagsusuot ng face mask kapag lumalabas.
Sagot naman ni Duque na marami aniya ang nagsusuot ng face mask ng hindi tama, ang omicron aniya ay tumatama sa upper respiratory namumuno gaya sa ilong, lalamunan at sa baga.