COTABATO CITY — Seryosong pinsala dulot ng El Niño phenomenon, naitala sa BARMM, 2 na probinsya at 15 na munisipyo maging 61 barangays sa SGA ng rehiyon, nagdeklara na ng State of Calamity
Sa panayam kay Jofel Delicana, ang hepe ng Emergency Operations ng Bangsamoro READi ng Bombo Radyo Philippines, sinabi nito na sa datos ng MAFAR- BARMM, mayroon nang higit sa 26,000 na mga magsasaka at higit din sa 26,000 na ektarya ng lupang sinasaka ang apektado ng matinding init.
Aniya, ang lubhang tinamaan sa naturang abnormal na temperatura sa rehiyon ay ang mga magtatanim ng mais.
Dahil din sa nararanasang El Niño sa rehiyon, dalawang (2) probinsya na ang nagdeklara ng state of calamity at ito ay Basilan at Maguindanao Sur, bukod pa sa labinlima (15) na mga munisipyo sa Maguindanao Sur, Maguindanao Norte at Basilan.
Nagdeklara din ang 61 sa 63 na barangays na sakop ng Special Geographic Areas ng State of Calamity.
Ayon kay Delicana at alinsunod sa direktiba ni BDRRMC chairsperson at chief minister Ahod Balawag Ebrahim, kasalukuyan nang ginaganap ang mga series ng RDANA o Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa mga barangay ng SGA.
Dagdag pa rito, sa bisa ng inilabas na BDRMMC resolution at isang memorandum Circular ng MILG-BARMM, binigyang utos nito ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng kani-kanilang assessment sa kanilang sakop ito man ay sa lebel ng probinsya, siyudad o munisipyo at magsumite ng ulat sa rehiyon sa Bangsamoro READi.