Maraming lugar ang nakapagtala nang pagkawala ng suplay ng koryente matapos na tumama ang 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Visayas region nitong hapon ng Martes.
Ayon kay Maria Jocefina Titong ng PDRRMO, Eastern Samar, umabot na sa 45 mga munisipyo ang nag-ulat sa kanila na nawalan ng koryente.
Maging sa Tacloban City ay nawalan din ng suplay ng koryente.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng PDRRMO ang pinsala na iniwan ng lindol sa iba pang mga lugar.
Passable rin naman ang mga kalsada at meron ding kumunikasyon lalo na sa mga cellphones.
Samantala, ang epicenter ng lindol sa bayan ng San Julian ay may mga naitala ring pagkabitak ng ilang mga kalsada, istruktura at mga bahay.
Kinumpirma rin ni Mayor Dennis Estaron ng San Julian na ang mga approach ng kanilang mga tulay ay nagkabitak pero passable naman.
Sa inisyal nilang pag-iikot may naitala ring pagkabitak ang ilang bahagi ng kanilang lumang simbahan na 18th century pa.
Una nang sinabi ng Phivolcs na nasa lalim na 63 kilometro ang sentro ng lindol.
Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Visayas at Bicol.
Nagbabala naman ang Phivolcs na asahan na raw ang aftershocks sa mga susunod na oras.
Sa Tacloban City, inilathala naman ni Angelica Gagalangin sa kanyang social media account ang pinsala nang naturang pagyanig sa Asian Development Foundation College.
Ang mga pulis naman sa lungsod ay kinailangan pang payapain ang ilang mga residente na nag-panic bunsod nang kumalat na isyu na merong nagbabantang tsunami.
Marami umano sa kanilang mamamayan ang nahintakutan sa naturang “fake news” lalo na at dinaanan ang kanilang lugar noon ng matinding kalamidad na dala ng supertyphoon Yolanda.
Narito ang nakalap na data ng Phivolcs batay sa mga intensities:
Intensity VI – San Julian, Eastern Samar;
Intensity V – Tacloban City; Catbalogan City, Samar; Gen. Mc Arthur, Salcedo and Guiuan Eastern Samar; Naval, Biliran; Catarman, Northern Samar; Palo and Pastrana, Leyte;
Intensity IV – Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, MacArthur, Matalum, Villaba, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Bislig City, Surigao Del Sur; Iloilo City; Naga City; Sorsogon City; Panganiban, Catanduanes;
Intensity III – Binalbagan, Negros Occidental; Cabalian, Southern Leyte; Dimasalang, Masbate; Butuan City; Cabadbaran City;
Intensity II – Bago City; Bacolod City;
Instrumental Intensities:
Intensity VI – Catbalogan, Samar;
Intensity IV – Masbate City, Masbate;
Intensity III – Legazpi City; Iriga City, Camarines Sur; Ormoc City; Argao City, Cebu; Bogo City, Cebu; Surigao City;
Intensity II – Passi City, Iloilo; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Roxas City; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu; Gingoog City; Mulanay, Quezon; Bago City, Negros Occidental; Daet, Camarines Norte
Intensity I – Tapaz, Capiz; Sipocot, Camarines Sur; Lapu-lapu City; La Carlota City;
Intensity VI – San Julian, Eastern Samar; Intensity V – Tacloban City; Catbalogan City, Samar; Gen. Mc Arthur, Salcedo and Guiuan Eastern Samar; Naval, Biliran; Catarman, Northern Samar; Palo and Pastrana, Leyte;
Intensity IV – Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, MacArthur, Matalum, Villaba, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Bislig City, Surigao Del Sur; Iloilo City; Naga City; Sorsogon City; Panganiban, Catanduanes;
Intensity III – Binalbagan, Negros Occidental; Cabalian, Southern Leyte; Dimasalang, Masbate; Butuan City; Cabadbaran City;
Intensity II – Bago City; Bacolod City