-- Advertisements --

Isinara ng India ang lahat ng mga primary schools sa Delhi dahil sa lumalalang polusyon sa hangin.

Sinabi ni Indian capital chief minister Atishi Marlena Singh na magiging online muna ang klase dahil sa makapal na smog na bumabalot sa lungsod.

Nakakaranas kasi ang Delhi at ilang mga kalapit na lungsod ng pollution levels na lubhang nakakasama sa kalusugan ng tao.

Base sa sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na ang polusyon ngayon sa India ay 50 beses na mas malala at hindi ligtas.

Kadalasang nakakaranas ang Delhi at mga northern states ng India ng mga smog tuwing winter dahil sa pagbagsak ng temperatura, usok, alikabok, mahinang hangin at usok mula sa mga sinunog na mga palayan.