-- Advertisements --
Nawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Urkaine matapos ang ginawang malawakang pag-atake ng Russia.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na gumamit ng mga missiles at drones ang Russia na tumama sa capital nila sa Kyiv ganun din sa mga lugar ng Donetsk, Lviv at Odesa.
Natamaan ang thermal energy plants ng pinakamalaking private energy company sa Ukraine kaya nagresulta ito sa malawakang kawalan ng suplay ng kuryente.
Itinuturing ni Zelensky na ito na ang pinakamalaking pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Aabot kasi sa 120 na missiles at 90 drones ang inilunsad.
Ipinagmalaki rin ng Russia na natamaan nila ang kanilang target sa inilunsad nilang atake.
Tiniyak naman ng Ukraine na sila ay gaganti sa ginawang pag-atake Russia.