-- Advertisements --
Patungo na sa norte ang tornado na kumitil ng 18 katao at sumira ng mga gusali sa maraming bahagi ng US.
Ayon sa National Weather Service, asahan na ang 34 tornadoes sa Texas, Louisiana, Mississippi at Georgia.
Base sa pagtayan ng Department of Emergency Management, 11 katao ang patay sa Missisippi habang anim sa Georgia kabilang ang limang katao sa Murray County at isang katao sa Cartersville.
Prioridad ngayon ng mga emergency officials ang paghahanap ng masisilungan ng mga tao mula sa bagyo kaysa sa social distancing.