-- Advertisements --

Dumami pa lalo ang bilang ng mga musicians na pumirma ng petisyon na kontra sa Artificial Intelligence.

Ilan sa mga dito ay ang legendary group na ABBA, Radiohead at The Cure.

Pumirma ang mga ito para pagbibigay babala sa publiko ukol sa negatibong dulot ng AI.

Ang nasabing AI aniya ay sumisira sa tunay na imahe, musika at maging ang kanilang mga sinulat na kanta.

Nakasaad sa nasabing petisyon na ang hindi lisensiyadong paggamit ng AI ay isang banta sa kabuhayan at ito ay hindi dapat hayaan na mamayagpag.

Ilan sa mga artista rin na pumirma ay sina Kevin Bacon, Julianne Moore, Rosario Dawson at maraming iba pa.