-- Advertisements --

Dumarami pang mga backyard hog raisers ang huminto sa kanilang operasyon dahil sa patuloy na pagpasok ng mga imported na karne ng baboy.

Sinabi ni ProPork chairman Nicanor Briones na dahil sa dami ng mga pumapasok na imported pork ay nagreresulta ito ng pagbaba rin ng mga farm-gate prices.

Umabot na aniya ngayon sa P150 per kilo na ang farm-gate price.

Dahil dito ay nasa 30% ng mga backyard hog raisers ang posibleng hihinto na sa nasabing negosyo.

Magugunitang dinagdagan ng gobyerno ang bilang ng mga pinapapasok na imported pork para matugunan ang kakulangan ng suplay matapos na dapuan ng African swine fever ang mga babuyan sa bansa.