-- Advertisements --
Maraming mga bansa na ang nanawagan sa Israel na huwag idamay ang mga United Nations Interim Force (UNIFIL) na nakatalaga sa Southern Lebanon.
Ang insidente ay kasunod ng nangyari noong nakaraang araw kung saan dalawang miyembro ng UNIFIL ang nasugatan.
Sa pahayag ng foreign ministry ng Sri Lanka na ang pag-atake ng Israel defense forces sa UNIFIL headquarters sa Naqoura, southern Lebanon ay nagresulta sa pagkakasugat ng 2 Sri Lankan na miyembro ng UNIFIL.
Kinondina ni United Nation Secretary General Antonio Guterres ang ginagawang pagdamay ng Israel sa mga peace keeping forces ng UN.
Nanawagan ito na marapat na irespeto ng Israel ang trabaho ng UN.