-- Advertisements --

Kinondina ng maraming bansa ang hakbang ng Israel na pagbawalan na ang United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees sa kanilang bansa.

Ayon sa United Kingdom na nakakapanghinayang ang ginawang ito ng mga mambabatas ng Israel.

Nababahala naman ang US State Department na sa ginawang ito ng Israel ay lalong tataas ang tensiyon sa lugar.

Magugunitang nagpasa ng panukalang batas ang mga mambabatas ng Israel na tuluyan ng pagbawalan ang UNRWA sa Israel at sa sinasakupan nilang Jerusalem.