-- Advertisements --

Patuloy ang pagdating ng mga tulong sa Myanmar mula sa ibang bansa matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol.

Ilan sa mga nagpadala ng tulong ng pagkain at mga tauhan ay mula sa China, Malaysia, Singapore at Russia.

Minamadali ng United Nations ang mga relief supplies sa mga survivors sa central Myanmar.

Nagpahayag na rin ang US na magbibigay ng $2-milyon na tulong sa mga biktima ng lindol.

Nanawagan si U.N. Special Envoy on Myanmar Julie Bishop sa mga military junta na namumuno sa Myanmar na padaanin nila ang mga tulong para sa mga biktima ng lindol.

Magugunitang pumalo na sa 2,065 ang nasawi at halos 4,000 na ang sugatan kabilang ang 270 ang nawawala dahil sa naganap na lindol sa Myanmar.

Nitong Lunes din ng ipatupad ng Myanmar ang isang linggong pagluluksa dahil sa lindol.