-- Advertisements --

Umani ng magkakahalong reaksyon ang naging pahayag ni US president-elect Donald Trump.

Sinabi kasi nito kasi na kapag maupo na siya sa puwesto ay magpapataw ito ng 25% na taripa sa lahat ng mga produkto na papasok sa US lalo na sa Canada at sa Mexico.

Layon nito ay para maresolba rin ang mga iligal migrants na pumapasok sa US.

Dagdag pa nito na mayroong 10% na ipapataw na taripa sa sa mga produkto naman na galing sa China para mabantayan ang pagpasok ng droga lalo na ang fentanyl.

Sinabi naman ni Mexican President Claudia Sheinbaum na ang pagpapataw ng mataas na taripa ay hindi makakaresolba ng problema sa iligil migrants at tiniyak niya na sila ay babawi sa pagpapataw din ng mga taripa.

Tinawagan naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Trump matapos ang anunsiyo niya at handa naman magkaroon ng “constructive way” na makatrabaho si Trump.

Habang ang Chinese embassy sa Washington ay naniniwala na mutually beneficial ang economic at trade cooperation nila sa US dahil walang mananalo sa trade war o tariff war.