-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay mula sa sikat na mga singer sa Amerika matapos na mabalitaan ang pamamaril at pagpatay sa rapper na si Nipsey Hussle.

Ang 33-anyos na rapper na si Ermias Davidson Asghedom sa tunay na buhay ay binaril habang ito ay nasa labas ng clothing shop.
Dalawang mga suspek ang hinahanap na ng mga kapulisan sa na siyang responsable sa pamamaril.

Ilan sa mga nagpahayag ng pakikiramay ay ang rapper na si Drake na itinuturing niyang isang respetadong tao si Hussle.

Hindi pa rin makapaniwala si Rihanna sa nangyari sa nabanggit na rapper.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Pharrell Williams ganun din ang rapper na si J.Cole.

Maging ang mga NBA players ay nagpaabot din ng kanilang pakikiramay na pinangunahan ni Los Angeles Clippers player Montrezl Harrell at Golden State Warriors star Stephen Curry.

Ilan sa mg pinasikat nitong kanta ay ang “Double Up”, “Racks In The Middle” at maramig iba pa.