-- Advertisements --
Nakitulog na lamang sa Quiapo Church ang maraming mga evacuees, kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa malaking bahagi ng Luzon.
Kahapon ay unang binuksan ng simbahan ang mga pintuan nito upang kupkupin ang mga evacuees na nakikisilong.
Bukod sa pag-aalok ng masisilungan at matutulugan sa loob ng simbahan, nag-alok din ang mga empleyado ng simbahan ng pagkain at inuming tubig sa mga evacuees.
Nagpapasalamat naman ang parokya sa mga deboto na patuloy ding tumutulong para mahatiran ng pagkain at iba pang tulong ang mga biktima ng malawakang pagbaha.
Tiniyak din ng parokya na ang Damabana ni Jesus Nazareno ay tahanan ng bawat Pilipino.
Samantala, tuloy pa rin ang mga nakatakdang misa kaninang umaga sa naturang simbahan.