-- Advertisements --

Nasa 70 exhibitors na ang umatras sa Singapore Airshow dahil sa banta pa rin ng coronavirus.

Kabilang sa umatras ay ang US aerospace giant na Lockheed Martin, ang South Korean air force’s aerobatics at ilang mga malalaking pangalan sa buong mundo.

Sinabi naman ng organizer na si Leck Chet Lam, na kahit maraming mga umatras ay tuloy pa rin ang aktibidad na magsisimula sa Pebrero 11.

Naglagay na rin sila ng temperature screening at pinayuhan ang mga dadalo na batiin na lamang ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pag-bow imbes na makipagkamayan.