-- Advertisements --
Maraming mga adult Filipino ang mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa sa pag-ibig o pera.
Ito ang naging resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station kung saan 57 percent sa mga dito ang pumili ng kalusugan, 31 percent ang pumili ng pag-ibig habang 11 percent lamang ang namili ng pera.
Kumpara noong bago ang pandemya noong 2019 na mayroong 70 percent ang pumili ng kalusugan habang 23 pecent ang namili ng pag-ibig at 7 percent lamang ang pera.
Isinagawa ang face-to-face interview noong Disyembre 12-16 2021 na mayroong 1,440 adults edad 18 anyos pataas.
Mayroong tig 360 na respondents sa Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila.